The TRUTH!

Ano nga ba ang katotohanan sa likod ng LIKHANGPAPEL?
*tara at alamin natin.

U+21D2.svg Sa totoo lang nahihiya talaga akong i-share ang bawat Blog na ginagawa ko nahihiya kasi ako sa mga ginagawa ko, feeling ko maraming mali sa blog k, at lagi kong naiisip na kapuna-puna at baka maging malaking kontrobersyal ang aking blog *kontrobersyal agad? ang aking blog kaya nahihiya akong i-share, ganon pa manmay mga taong nag e-encourage pa rin sa akin para i-share ang Blog ko.

U+21D2.svg Minsan gusto kong gumawa lagi ng blog, pero baka maubusan ako ng ideya at sasabihin, kaya nag tanong tanong akona kung ayos lang ba na gumawa ako ng Blog araw araw? ang sagot nila ay

“Oo pwede naman, walang masama don pero mas maganda kung pinag iisipan, pinag hahandaan, at pinag paplanuhan ang bawat blog na ipa-publish mo.”

kaya naman ako ay susunod sa payo nila.

U+21D2.svgNakakataba ng puso kapag may nakakabasa ng Blog ko at nag iiwan ng mga magagandang komento, kaya naiinspired akong gumawa ng maraming maraming Blog, at naisip ko na gumawa na rin ng LIBRO!, pero ayoko parin kase alam kong nadadala lang ako ng emosyon ko, kaya ginagawa ko nalang itong inspirasyon.

U+21D2.svg Isa rin sa dahilan kung bakit ayaw kong ipabasa ang mga sulat ko dahil minsan maraming mali, wrong grammar, at wrong spelling  *odba nakakahiya talaga. kaya pinapabasa ko muna ito sa mga taong matatalim ang mga mata at magagaling sa mga spelling spelling na yan at malakas maka grammar at syempre (edit edit din pag may time!)

U+21D2.svg Aminado rin ako na hindi ako magaling na manunulat talaga, oo aminado ako jan, talaga! oo naman talaga, oo. *paulet ulet? dahil noong nag aaral pa ako eh hindi ako magaling sa academics P.E, MAPEH lang ata ang gusto kong subject. specially VALUES EDUCATION lang ang pinakamataas na grade ko. Pati nga Filipino subject eh muntik ko nang maibagsak, kaya nag tataka ang karamihan  at ako rin, sabi nila na magaling raw ang aking writing skills  (waaaaww hhaaaa.. enebe nekeke fleterd nemen! nakakaen ba yon?)

U+21D2.svg Pangatlo sa Huli ang magsulat at magbasa, magsulat oo siguro pwede pa kong sipagin, pero ang magbasa NAKAKATAMAD! nakakatamad talaga as in.. Tamad talaga ako mag basa gusto ko kung ako man ay magbasa yung may picture, medyo sinisipag ako mag basa pag ganon pero sinisikap ko parin mag basa ng mag basa ng mag basa at mag basa, magbasa sa tubig, mag basa sa ulan, magbasa sa baha, magbasa sa ilog, magbasa sa dagat. Marunong kasi akong lumangoy at pag nagba basa ako ang presko presko sa katawan
*mag basa sa baha presko sa katawan yung totoo?.. ay mag basa pala ng Libro, gusto ko rin basahin yung mga tagalog na libro na meron akong matututunan. Minsan ang aming kasama sa bahay ay nag babasa ng “Pocket book” at nakita ko syang umiiyak.

Nag tanong ako: “Bakit ka umiiyak, may problema ka ba?”

sagot nya: “namatay kasi yung bida sa binabasa ko rito sa pocketbook.”

*at nastress ako, mayaman sa luha? walang paglagyan ang luha te? aksayado?
Kaya kailan man hindi ako nag basa ng Pocketbook na yan.. Sinubukan ko minsan pero na bored talaga ako at nawala ako sa mood! kaya hindi na ko nag tangka pa kahit maganda pa yung title ng POCKETBOOK!

U+21D2.svg Pangalawa sa huli. Hindi rin ako ganon pala basa ng English books, una sa lahat hindi ko maintindihan talaga.. oo no.. yung ibang English eh nakakaubos ng dugo. Kaya ayon piling pili lang yung mga libro na binabasa ko tulad ng BIBLE yan. ODB (Our Daily Bread) at inspiring books even they english books i want to read it. *ohh English friend, Bigyan ng Jacket!

U+21D2.svg At ang huli ako ay mabagal magbasa. Mabagal talaga ako mag basa ewan ko ba? *di naman yung basang Grade 1 Over! Ewan ko ba hindi ko na maintindihan yung binabasa ko kapag mabilis ang pag basa ko, kaya marahan ko itong binabasa ninanamnam, nginunguya, hinihimay himay at binabasa ko ang labi ko para pag tinikman ko yung ulam! ULAM? (teka bat napunta ba sa pagkain) * gutom na ko, kaen kaen den pag may time kaya ka nila pinapagalitan eh. basta.. basta basa lang ng basa para bumilis ang pagbasa. at sa pag nagbabasa ako mata lang ang gamit ko. Medyo naiirita ako kapag naririnig ko yung boses ko with matching pagka bulol pa odba kaasar lang kaya binabasa ko nalang ito gamit ang aking mga mata. 😀

KAYA naman ito ang THE TRUTH sa likod ng LIKHANGPAPEL kapag may naisip pa ko ilalagay ko nalang ulit dito. (hanggang sa muli paalam!) *dont forget to read my BLOG!

GOD BLESS & BLESS GOD!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s