Ready, Get Set, 2017

Hi Fans!

Yes may Fans! (Meron nga ba? ) Its been a long year bago ko balikan ulit ang aking blog, hindi ko ba alam kung bakit ko hininto ito ng maraming taon, pero ngayon, yes, oo, ngayon nga. IM BACK!!! Well, from 2013 to 2016 its been 3 years ang tagal na pala talaga marami nang nangyari at nagbago pero still God is Faithful,

I want to share ano ano nga ba ang dapat nating pag handaan ngayong darating na 2017, karamihan sa atin ay nag hahanda na, bumibili ng polkadots na damit para swerte daw sa darating na taon, kumukunsulta na sa mga Practical Astrology, binabantayan kung ano ang masuwerteng kulay, masuwerteng numero, masuwerteng bulaklak, at direksyon, bumibili ng malalagkit at matamis para raw mas ma-unite ang pagsasama ng pamilya at maging matamis ang relasyon ng mag asawa. at marami pang mga ritual at mga bagay na ginagawa ang mga tao para raw mas maging magaan ang buhay sa darating na 2017, at sila ay nag babasa rin ng mga zodiac sign at marami pang iba, Effective nga ba ang mga ito? Totoo nga bang gumagana ang mga ganitong pakulo? ano bang sinasabi ng Bible about dito?

Leviticus 19:31 
“‘Do not turn to mediums or seek out spiritists, for you will be defiled by them. I am the LORD your God.”

Deuteronomy 18:10-12
“There shall not be found among you anyone who makes his son or his daughter pass through the fire, one who uses divination, one who practices witchcraft, or one who interprets omens, or a sorcerer, or one who casts a spell, or a medium, or a spiritist, or one who calls up the dead. “For whoever does these things is detestable to the LORD; and because of these detestable things the LORD your God will drive them out before you.

Ang lahat ng ito ay isang adkanglahi (So Deep! pababawin natin,) pang aalipusta, o panglalapastangan sa ating Diyos.

Ngunit ang karamihan sa atin ay patuloy at patulo parin na kumukunsulta sa kanila, dahil sa alam nila na dito nila makikita ang tunay na swerte nang buhay. Tunay nga bang may swerte sa buhay? Ano-ano nga ba ang dapat nating paghandaan ngayong darating na year 2017

READY! GET SET! 2017
– completely prepared or in fit condition for immediate action or use,
Nakahanda na ba ulit ang New Years Resolution ninyo na hindi matuloy tuloy?
Nakahanda na ba ang Planner ninyo na hindi masulatsulatan?
Eh, Ready na rin ba ang petsa ng Lakad, pag gy-Gym, Swimming sa darating na summer, over night with friends, travel, mamundok, at samot saring plano na noong 387BC pa ninyo plano na hanggang ngayon e plano parin, magandang plano iyan mga kaibigan, maganda! (clap, clap, clap!)
“Ang ating plano natin minsan ay 3D, HD-TV, Mukang makatotohanan.”

Paano nga ba magiging makatotohanan ang ating mga plano.

  1. Desire – Syempre kailangan meron tayong pag nanais baka naman ang pagnanais natin ay hanggang pag nanais nalang, mag desire tayo na magkakaroon rin ito ng katuparan, long term man ito o short term.
  2. Action – Syempre kailangan natin aksyonan ang ating mga plano, Masaya mag-imagine, masarap mangarap kasama ang mga kaibigan, pamilya at partner sa buhay, ngunit, subalit, at datapwat. Kung ang lahat ng ito, at hanggang pangarap nalang at hindi natin gagawan ng aksyon, Porget abawt it, mas maganda na yung biglaang lakad natutuloy pa iyon kaysa sa mga plano plano na yan! I Push nyo na mga Bes, aksyonan ang lahat ng Plano sa darating na 2017
  3. Timeline – Wag kakalimutan ang Timeline parang Facebook lang yan, ganyan, kailan nga ba dapat mangyari ang mga plano nyo, plano mo, at plano nating lahat para masaya. haha.. Example: Mag bibirthday na si Bestfriend, may timeline yon at darating ang point at araw na mag bibirthday sya, so tayo ang ating gagawin para mapasaya sya ay gagawa tayo ng paraan at paghahandaan ang kanyang karawan,
    dapat itong paghandaan, pag ipunan ng Materyal, Pisikal, at Pinansyal, ganito rin ang iba nating mga plano sa darating na 2017, kailangan maging handa tayo, umulan man o umaraw, sa mga panahong masaya ka dapat handa ka, sa mga panahong malungkot ka, sa mga panahong baliw baliwan lang ang peg, kapag wala ka sa mood, kapag nasa mood ka, at kapag sa mga panahong mag isa ka nalang, dapat sa lahat ng aspeto ng ating emosyon ay handa tayo. piliin ang maging masaya kasama si Lord.
    “Happiness is a choice, so choose to be Happy. “
  4. Discipline – Isa rin sa mga dahilan kung bakit nag fa-failed ang ating mga plano dahil wala tayong disiplina sa katawan, nabibili yon e sa quiapo 3 for 100. haha, biro lang, walang nabibiling ganon, hindi rin yon naaarbor kay bes, hindi rin yun nakakain bes, kaya minsan (hindi minsan madalas,) hindi natin nagagawa ang mga activity natin ang mga plano natin sa buhay dahil Super Mega Lamon tayo BES, pwede na tayong gawing Barbeque, at Lechon sa susunod na pasko.(haha sarreh na.) mahirapa mag disiplina ng katawan, i de-deny mo ang lahat ng gusto mo para lang mag fit ka roon sa mga bagay na gusto mo. gusto mo sumeksi diba bes, o edi dyeta din, tamang pagkain lang ang dapat kainin, wag kumain ng sobra sobra, marami sa atin ang depinisyon ng DIET ay hindi pag kain, pero ang tunay na kahulugan ng DIET  at ayon kay Wikipedia Diet is the sum of food consumed by a person or other organism.[1] The word diet often implies the use of specific intake of nutrition for health or weight-management reasons (with the two often being related). Although humans are omnivores, each culture and each person holds some food preferences or some food taboos. This may be due to personal tastes or ethical reasons. Individual dietary choices may be more or less healthy. Kaya kumain ng mga tamang pag kain mag ehersisyo ng tama.
  5. God’s Plan – Ang Diyos ay may magandang plano sa ating buhay,
    Jeremiah 29:11  For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.
    Pero tayo sa darating na 2017 ano nga ba Plano natin para sa kanya?
    WAIT… Kasama nga ba ang Diyos sa mga Plano natin sa darating na 2017?I do believe na nakahanda na ang pagpapala ng Diyos para sa atin, pag papala Pinansiyal, Material, Mental, Pisikal, at sa lahat ng aspeto sa ating buhay.
    John 10:10b  …I have come that they may have life, and have it to the full.
    Buhay na ganap ay kasiya siya,

Ano ano nga ba ang dapat mga plano natin sa Lord ngayong darating na 2017

  1. SOUL Winning – Maglaan ng oras at panahon para mas maging maalab sa pag she-share ng Word of God, wag titigil at wag mapapagod sa pag papakalat ng Good News ni Lord.
    Luke 19:13 …Occupy till I come.
    Matthew 28:19-20
    Go ye therefore, and teach all nations, baptizing them in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Ghost:
    20 Teaching them to observe all things whatsoever I have commanded you: and, lo, I am with you always, even unto the end of the world. Amen.
    Spread the word of God Like a Wild Fire!
  2. Devotion – Mas Lalong pag ningasin ang atin devotion at personal na pakikipag usap sa kanya. i set at mag karoon ang sweet spot of time para sa Lord, maraming kabataan ngayon ang aking nakakausap na wala kasi silang oras daw sa sa pag dedevotion sa kadahilanang nag rereview pa raw sila at gumagawa ng maraming project sa school, dapat hindi ganon, School is Life but Devotion is Lifier!
    Matthew 6:33 But seek ye first the kingdom of God, and his righteousness; and all these. things shall be added unto you.
    nakaka lungkot lang dahil minsan kapag meron tayong problema, sakit at karamdaman, at kung meron tayong hihingiin at hinihingi sa Lord doon lang tayo nagiging faithful, doon lang tayo sumusunod or nag susunod sunuran, para kapag nakuha nanatin ang ating gusto, well, back to normal, parang walang nangyari, hindi natin maloloko ang Diyos, mas matalino sya kaysa sa atin,
    Maging tapat sa Diyos habang ang mundo ay hindi tapat sa kanya.


    John 15:5-8 “I am the vine; you are the branches. If you remain in me and I in you, you will bear much fruit; apart from me you can do nothing. If you do not remain in me, you are like a branch that is thrown away and withers; such branches are picked up, thrown into the fire and burned. If you remain in me and my words remain in you, ask whatever you wish, and it will be done for you. This is to my Father’s glory, that you bear much fruit, showing yourselves to be my disciples.
    Minsan akala natin tayo ay naka connect sa Diyos, ginagamit natin ang sarili nating mga lakas sa pag gawa ng mga bagay na akala natin ikakatuwa ng Diyos, ngunit gumagawa na pala tayo ng mga bagay para lamang ma glorify ang ating sarili at hindi na ang Diyos, akala natin tayo pa ay lumalakad sa katwiran at kanyang daan, masyado tayong naging manhid sa pagkilos ng Diyos, kaya kapag dumating ang panahon nang pagsubok, kapag shinake ang ating mga pananampalataya ambilis natin tumalikod ang bilis nating bumagsak dahil masyadong mababaw ang pagkakakilala natin sa kanya. dahil hindi na tayo naka connect sa kanya.
    “I am the vine; you are the branches. If you remain in me and I in you, you will bear much fruit; apart from me you can do nothing.
    kaya munting paalala sa lahat ng bagay at plano natin para sa Lord ngayon 2017 baguhin ang mga bagay na nakasanayan, pag ningasin ang Devotion sa Kanya.

  3. Prayer – Meron akong kwento na nabasa ko lang sa scratch notebook ng ka churchmate ko pero hindi sa kanya yung notebook sa isa ko pang ka churchmate na niregalo nya sa kanya. odba ang saya! haha ang kwento doon.“Sa Kaharian ng Langit nakaluklok ang Diyos sa kanyang Trono, ang Diyos ay malungkot na malungkot, at ang mga anghel ay nabagabag at nag tipon tipon, nag usap usap, Ang ating Diyos ay malungkot kailangan natin syang mapasaya, ano kaya ang pwede nating gawin para mapasaya sya. ang sagot ng isang anghel mag alay tayo ng papuri at pagsamba sa kanya, kaya nag Praise and Worship sila, inawitan at hinarana nila ang Diyos, ngunit ang Diyos ay malungkot parin, naisip nila na mag offer sila. kaya ang ginawa nila kumuha sila ng mga haing handog at inoffer nila iyon sa Diyos ngunit ang Diyos ay malungkot parin, hanggang sa mayroong isang anghel na lumapit sa kanya at may dala dala na bote na punong puno ng Luha ng panalangin at ang Diyos ay ngumiti siya ay naging masaya. ”

    Ang Mundong ito ay walang panahon sa Diyos para kausapin sya, magkaroon tayo ng mas maraming panahon para kausapin sya, Kung meron mang unang kakausap sa Diyos dapat tayo yon kasi mas kilala natin siya kung paano sya kakausapin at kung paano lalapit sa kanya.
  4. Ministry – Mas lalong mag flexible sa ministeryong kinapapalooban, mag level up to the highest level, ganorn. mas maging masipag, maging on time, mas maging passionate sa paglilingkod ang sa Diyos.

Minsan nang dumating sa aking buhay na parang ayaw ko nang magwork gusto ko nalang mag ministry, mag lingkod sa Lord, sa Ministry kasi masaya ka lang, wala kang stress, at wala kang masyadong iniisip. may kagalakan, may kapayapaan, kaya pala nasabi ni David
“Better is one day in your courts
    than a thousand elsewhere;
I would rather be a doorkeeper in the house of my God
    than dwell in the tents of the wicked”
– PSALM 84:10 
Lagi tayong mag patuloy at walang mapapagod sa paglilingkod sa kanya,
Ang paglilingkod sa kanya ay isang pag takbo patungo sa pangakong Buhay na walang hanggan, Hindi importante kung mabilis man o mabagal ang ating pag takbo patungo sa kanya ang mahalaga at importante ay hindi tayo humihinto. kaya kapatid SEE YOU AT THE FINISH LINE!
Hanggat tumitibok ang ating puso at tayo ay humihinga wag tayong titigil na paglingkuran Sya dahil ito ang tunay na dahilan kung bakit tayo nabubuhay. ang pasayahin ang Diyos, paglingkuran sya, at mahalin ang Diyos.

Ngayong Darating na 2017 marami tayong gustong mangyaring magagandang bagay, at panalangin, naniniwala at nananampalataya ako ang 2017 ay ang taong ng kasagutan ng panalangin, kasagutan ng long standing prayer, ang 2017 ay kagalingan sa mga sakit at karamdaman, taon na kung saan ay punong puno ng pabor, rumaragasang pagpapala, at ang taong 2017 ano man ang hahawakan nang ating mga kamay ay magiging pagpapala, ano man ang sasabihin ng ating bibig at aapakan ng ating mga paa ay magiging pagpapala, higit sa lahat ang  PAGIBIG ng Diyos sa atin at pag ibig natin sa kanya ay lalong mamumunga at lalalim.

EXCITED na ko! Excited na rin ba kayo?
Ready Get Set 2017!

Hanggang sa susunod na Blog!

Merry Christmas & A Spirit Filled. Prosperous, Victorious New Year!
God Bless us More and more!

Advertisements

2 thoughts on “Ready, Get Set, 2017

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s