ANGKLA!

Habang ako’y nag lalakad at nag mamasid sa mundong aking ginagalawan, ang aking mga paa’y huminto at nabaling ang aking paningin sa salitang “PAG ASA.” Ako’y napaisip  at pumasok sa mundo nito, ano nga ba ang meron sa salitang ito? Marahil ang salitang ito ay naexperience ko mula pa nang bata pa ako pero hindi ko lang ito na appreciate kung gaano ito kahalaga. Ngayon gusto kong alamin ang kahalagahan ng salitang “PAG ASA.”

PAG ASA?

Hindi ito yung salitang Philippine Atmospheric Geophysical & Astronomical Services Administration na nag bibigay impormasyon patungkol kung mayroon bang paparating na bagyo, kung nasaan ang Low Pressure Area o LPA, kung ano ang temperatura sa Maynila sa Cebu, Ilo-ilo, Ilocos, Mindoro, Davao, Zamboanga, sa Visayaz, Mindanao at sa ibat ibang parte  ng Pilipinas. Kung anong oras ang High Tide at Low Tide, kung anong oras rin sisikat at lulubog si haring araw, hindi rin ito ang ulat ng may palaksa-laksang  pag ulan na dala ng ITCZ o Inter Tropical Convergence Zone sa karatig bayan ng Malabon, Navotas, Valenzuela, Bulacan, at Caloocan ganun din sa kalapit bayan. Laging mag ingat mag dala ng payong bota kapote upang makaiwas sa Traffic! (ano daw? Traffic?)

“sa bawat pagsubok ng panahon laging tatandaan ang buhay ay weather weather lang ako po si kuya Ching Matangsingkit nag papa alala na mag sigurado? mag siguro? I AM READY Serbisyong totoo at Walang halong Biro.” *nu daw?

Bago ako mag pakalayo-layo at baka san ako mapunta madalas nating nararanasan ang kawalan ng PAG ASA sa ating buhay. Sabi ng karamihan

“Habang may buhay may PAGASA.” “Wag kang mawalan ng PAG ASA kaya mo yan.”

Ako ay nag tanong sa sarili ko

“Bakit kaya maraming tao ang winawakasan ang kanilang buhay?.”

Maraming tao ang may sakit at nag papagaling humaba lang ang buhay. Nakakalungkot ang mga taong ganito,

“Ang buhay ay binigay ng Diyos para pasalamatan at purihin at mag lingkod sa kanya hindi wakasan ang buhay para matakasan lang ang mga problema.”

Ang iba naman dahil walang PAG ASA ay biktima marahil ng Pagkawala ng Dangal, Dignidad, Napagsamantalahan, Inabuso, Minaltrato, Kinutya, Pinahiya, Dinis-Courage, at nasabihan ng masasakit na salita na labis nilang ikina-paralisa.

Ganon pa man ang naranasan. nais kong sabihin sa mga nakakabasa nito na sa tingin nila ay hindi nila ay wala nang PAG ASA at wala nang solusyon sa Problema, na merong Diyos na nag sabi

“I WILL NEVER LEAVE YOU NOR FORSAKE YOU!” -GOD

Merong JESUS na sa kanyang kapangyarihan ay walang imposible, ang Diyos na laging nakatingin sa atin at nakabantay araw at gabi, at ang Diyos na nag e-Encourage lagi sa atin, sa kanyang presensya  ay may kapahingahan at kagalakan.

“Ang ating PAG ASA ay tulad ng isang ANGKLA na kahit anong bagyo at lakas ng alon sa ating buhay ang mag daan may kasiguraduhang mananatili at magiging matatag ang sa kanyang posisyon ang itong ANGKLA. at sa kanyang pangako na hindi nagbabago na laging nagpapalakas ng ating loob upang harapin ang bukas ng may panibagong sigla at punong puno ng PAGASA.”

anchor

Hebrew 6:19 We have this as a sure and steadfast anchor of the soul, a hope that enters into the inner place behind the curtain,

at dahil jan nakagawa ako ng tula na gusto ko din sanang gawing kanta kaso hindi ako marunong mag play ng instrument anyway mag aaral nalang ako.

I want to introduce you:

The MAN, The Full of Hope, The Light Bearer, A More Than Conqueror, The Singer & Songwriter, My Beloved Brother, My Inspiration Everyday. LADIES & GENTLEMEN Let’s give it up for…

Kuya Sonny!!!!!

*Te-den…. *sabog Confetti

15660_609063075780592_585076945_n

(Gusto ko sanang dalawa kame sa picture, e nahihiya akong magpapicture sa kanya. PROMISE haha yaan mona moment niya yan. POGI NO!!! KUYA SONNY KO YAN!!!! :D)

Ako ay Super Blessed sa buhay at inspired sa buhay nya PROMISE, sabi nga ni

Anthony Taberna:
“Lahat ng anggulo bubusisiin, lahat ng panig uusisain, ilalahad sa publiko punto por punto.”

punto por punto talaga? kulang na nga lang ay tumira ako sa kanila. Alam ko ang naging takbo ng naging buhay niya, sabay kaming tumawa, umiyak, hindi rin nag pahuli sa kalokohan, kapilyuhan, pero kapag kami’y nag pupuri sa Diyos siguradong ito’y walang humpay,

kung maisusulat ko lang ang lahat naming pinagsamahan eh.. wag nalang kase tinatamad na akong mag type eh. *hehe

Nasulat ko itong tulang ito ng minsan siyang nag ka problema at nag karoon kame ng gap sa isat isa at muntik na rin mawalan ng PAG ASA. Hanggang ang pag ibig ng Diyos ay muli niyang naranasan.

ANGKLA!

Habang ako’y nag iisa at walang kasama
Dala dala’y bigat na nadarama
Malungkot at parang walang nakakaalala
Nakatingin sa mga bituin at sumusulat ng kanta

Akala sa sarili’y wala nang Pag asa
Walang silbi sa paningin ng iba
Ngunit muli kang nag pakilala
Bagong siglang nadarama aking sinta

Sa kalungkutan ikaw ang kagalakan,
Sa pag iisa ko’y hindi mo ko iniwan,
Sa problema’y ikaw ang sandigan
Hesus ikaw ang aking ANGKLA…
Na nag bibigay sakin ng PAG ASA

Pag ibig mo ang kailangan
Pananampalataya ko ang sandigan
Pagkat PAG ASA ko’y sayo

1 Cor. 13:13 “And now these three remain: faith, hope and love. But the greatest of these is love.”

Therefore, ano man ang problemang harapin, kung ang Pag asa sa tingin man natin ay hindi dumating, meron Diyos na laging nakatingin, siya ang ating ANGKLA na nag bibigay ng Pag asa lagi natin tandaan

“Hindi bibilangin ng Diyos kung ilang beses kang madadapa sa takbuhin ng buhay, bagkus titignan niya lagi kung ilang beses kang tatayo at mag papatuloy na mag tiwala nang merong punong puno ng Pag asa.”

Hebrew 6:19 We have this as a sure and steadfast anchor of the soul, a hope that enters into the inner place behind the curtain,

soul  let Jesus be your ANCHOR

“ANCHOR YOUR HOPE TO JESUS!”

-LIKHANGPAPEL

Advertisements

6 thoughts on “ANGKLA!

    1. nakaka galak ng puso at nakakagaan ng pakiramdam na nagiging dahilan para ikaw ay gumawa muli ng blog! inshort INSPIRING! AMAZING! ^_^>

      thank you po. isa ka sa inspirasyon ko upang magpatuloy gumawa ng blog!

      anyway actually po may tono na po yung tula na aking ginawa siya rin po ang lumikha ng tono pero hindi pa daw tapos. gsto nya daw po duet kame, o dba ang sweet ng kuya ko. *duet pa nga ang gusto. kaya bumabagyo eh! share ko lang.

      anyway ulet pa add naman po sa facebook. ok lang po ba? d ko na po mabago yung pangalan ko kasi nag error, kahit medyo nakakahiya eh kakapalan ko na din.

      search me: napakapoging chingzkie.
      yehey thank you! God bless you ATE!
      ano bang pwede kong itwag sayo?

      1. Ahaha! Wow, talaga po? Nakakatouch naman po haha. 🙂 Padinig po ng kanta kapag natapos, ah? Ishare na yaan ditooo. 🙂

        Anyway din, inignore mo naman po ako. :3 hahaha inadd na po kita kagabi eh. Add nalang po kita ulit 😉 Kim Holly po pangalan ko, KUYA. :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s