AngSuperHeroKo!

Image

♪♫♪♫♪TENTENEN TE-NE-NE-NENEN! ♪♫♪♫♪♫♪
♪♫♪♫♪TENTENEN TE-NE-NE-NENEN! ♫♪♫♪♫

♪♫♪♫♪TENENENENEN TENENENENEN♪♫♪♫♪

♪♫♪TENTENEN TE-NE-NE-NENEN!♫♫!

(SUPERMAN MUSICAL)

Mahilig ka din ba sa mga Superheroes?

Sinusubaybayan mo rin ba ang bawat episode nila?

at higit sa lahat ginagaya at ginagawa mo din ba ang mga ginagawa nila?

Ang magsuot ng kapa gamit ang twalya o kumot?

tumakbo ng mabilis at iniisip na kunwari ay lumilipad?

Kumuha ng stick at gawing laser sword,

Gumawa ng palakol at sabihing palakol ni diva?

Ang mag tambling, tumalon, mag flying kick, karatihin ang kapatid, gumawa ng mga action post. Gayahin ng mga Super Heroes moves at sasabihin sa iyong kalaro:

“Ako kunwari ako ang bida ikaw yung kontrabida kunwari daw, pag flying kick ko mamamatay ka daw ha!”

Pwes! Parehas na Parehas tayo ng hilig at siguradong makaka relate ka sa Blog ko!

Noong bata pa ako mahilig ako sa mga SuperHeroes! pero hindi ko favorite sila Spiderman, Batman, Superman, Hulk, Captain America, Ironman, at marami pang Superheroes na ang mga pangalan nila ay nag tatapos sa MAN at WOMAN (*sapat lang.) Pero may isang Man na superhero ang favorite kong panoorin noong bata pa ako at siya ay si “POPEYE the Sailorman” napapanood ko sya t’wing 7:00am sa cartoon network walang palya ang panunuod ko niyan, sabi ni nanay kakapanood ko daw ng popeye ay nagiging kamuka ko na daw siya

,Image

hanggang sa dumating sila Mighty Morphin Power Rager, tuwang tuwa ako habang pinapanuod ko sila na nag ta-transform specially kapag nag co-combine na yung mga robot nila para bagang (para bagang? ang lalim friend! )ako yung sasakay sa mga robot na yon!. hanggang nagpakilala sila Ultraman, Zenki, Ang Batang X, Voltes V, Shaider ang pulis pangkalawakan, Robocap, Daimos, Megaman, Sailormoon, Ninja Turtles, Powepuff Girls, Lupin The III, Shaman King, gusto ko din si Super Mario, meron kaming gameboy dati at ang mga mata ko ay tutok na tutok sa larong Super Mario, ok lang kahit magkanda duling duling ako sa nilalaro ko hanggat hindi nauubos ang 4 na pirasong AA battery na Eveready ay hindi ko talaga tatantanan ang paglalaro, well syempre bata, gusto ko silang gayahin at gusto ko someday maging katulad ko sila. pero ang lahat pala ay isa lang imahinasyon at kathang isip lamang, namulat ako sa realidad na hindi pala ako pwedeng lumipad, hindi pala ako pwedeng maging invisible, mag hame-hame wave tulad ni goku, mag isang daang porsyentong RayGun tulad ni Eugene ng Ghost Fighter, tawagin ang mga dragon na sina Nadare, Saiha, Homura, Setsuna, Rui, Madoka, Koku, Resshin/Oka, tinawag ko kayo sabay sabay! ni Recca, ang kumuha ng Rosas at gawing latigo ni dennis, magkaroon ng third eye katulad ni Vincent, ang goma-goma ni lufi, ang kagebunshin ni naruto, ang chidori ni sasuke, ang bangkai ni ichigo ang clan ng fairytale ang kadena ni kurapika at ang double X burner air ni Tsuna Yoshi Sawada 10th, Vongola ng Hitman Reborn akala ko ay totoong, magiging katulad ko sila at napaniwala nila ako ng mahabang panahon.

Alam ko hindi ako magiging kagaya nila forever at nalungkot ako, pero may nakilala ako, Siya ang Tunay na SuperHero sa lahat ng mga Hero na nakilala ko. at mas naging masaya ako noong nakilala ko ang SuperHero ng buhay ko! siya yung Savior ko! at pinagmamalaki ko yon! walang sinabi yung kantang

“tumalon kaya ako sa bangin para lang iyong sagipin!”

Ha? bakit pa ko tatalon sa bangin para lang sagipin?

Sa “SuperHero ko ay may Kaligtasan, Merong Buhay na Walang Hanggan, Meron Buhay na ganap at Kasiyasiya, Merong Satisfaction, at Walang Kahinaan.

“Ang SuperHero Ko” sya lang naman yung:

 Gumawa ng Langit at Lupa, Gumawa ng maraming Himala, Humati ng Dagat, Ginawang Dugo ang Lawa, Ginawa Wine ang Tubig, Lumakad sa Tubig, Nagpalayas ng mga Demonyo, nag pagaling ng mga may sakit, nag pakain ng 4000-5000 tao, Siya lang naman yung Diyos ng mga diyos at Hari ng mga hari, Panginoon din siya ng mga Panginoon, ang  Alpha at Omega, The Omnicient, Omnipotent, at Omnipresent, at hindi mabilang nakababalaghan ang mga ginawa nya sa mundo na hindi ko nakita na ginawa ng mga superhero na napanuod ko.

Yan “Ang Superhero Ko” punong puno ng Pagmamahal, hindi siya nang ii-snob, hindi rin Nagbabago, laging nag aalala, Malawak ang pang Unawa, malalim ang Habag mayaman sa Biyaya, hindi nauubos na Karunungan, at sa kanyang Presensya mayroong Kapahingahan, mayroong Kagalakan. (ang sweet no!) *kinikileg 🙂

Alam mo ba kung bakit pumunta dito ang SuperHero ko?

Ha? Hindi mo alam?

sige ishe-share ko sayo!

Mark 2:17 …“It is not the healthy who need a doctor, but the sick. I have not come to call the righteous, but sinners.”

“Pumunta sya dito para mag pagaling ng mga may sakit! at Yes tayo ang tinawag niya, tayong mga makasalanan.”

Oh diba! ESHTEG TELEGE! San pa u dito na u!

Alam mo din ba kung ano ang pinaka dakilang ginawa nya sa mundo para maligtas ang mga TAO?

ha ? annooo? HINDI mo rin alam? :((

Ito papakita at sasabihin ko sayo!

Ganito ang dakilang bagay na ginawa ng SuperHero ko na hindi kayang gawin ibang mga Superheroes, tinanggalan ng balbas, sinampal, niyukaran, tinapaktapakan, minura, dinuraan, sinapak, binugbog, tinadyakan na parang hayop, hinampas ng latigo, hinubaran, pinahiya, tinusok ang tagiliran, nilagyan ng koronang tinik,pinagbuhat ng cross, ipinako sa cross at  nag bigay ng buhay para maligtas ang sangkatauhan upang ang sinumang maniwala o sumampalataya ay hindi mapahamak kundi mag karoon ng buhay na walang hanggan!

Ganyan din ba ang super hero mo? Handang mag alay ng buhay, handing mamatay para sayo?

Ganito ka Astig, Wow, Awesome, Cool, Magnificent, Amazing, Wonderful, Beautiful Beyond Description “Ang Super Hero Ko!”

Ikaw Cool at astig din ba ang superhero mo?

Oo nga pala siya pala ang PINAGMAMALAKI kong SuperHero ever,

“Just look up in the sky, its a Bird, its a Plane No! its…”

JESUS!

Ikaw gusto mo rin ba siyang maging SuperHero?

Kung Yes! (just press 1 if not just press 2 haha)

simple lang:

Remember the A.B.C

  1. Accept: Jesus as personal Lord and Savior- John 14:6 “Jesus said, I am The Way The Truth and The Life, no one comes to the Father except through Me.”
  2. Believe:  Romans 10:13, “For whosoever shall call upon the name of the Lord shall be saved.” Say, “Father in Heaven, I believe that Jesus died for my sins.” And God will impart eternal life to your spirit.
  3. C.    Confess: our sin- 1 John 1:9 If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness.

Ang simple lang diba!? Kaya tara na! ma-amaze, makiisa, makisaya, pasukin, libutin, ikutin, kilalanin, lumapit, itaas ang kamay, magpuri, sumamba, sumayaw, kamanta, at sumigaw sa galak dahil:

Image

“KAPAG SI KRISTO ANG SUPER HERO MO WALA KANG TALO!!!.” YUN OH!!!

LIKHANGPAPEL

Advertisements

2 thoughts on “AngSuperHeroKo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s