LikhangPapel!

Hi! ito ang unang Blog ko!

Ako si Satoshi pero ang tawag nila sakin ay ang mga ss:

Toshi, Ching, Japok, Tos!, Cheng Totse, Tuse, Katotse, pochi, tamagochi, toshiba tzing, sato, Tosh,at marami pang iba, ang tinatawag nila saken pero ok na ko sa Napakapoging Chingzkie,(luh? nagulat ka ba? haha) ako din eh? ahhmm ilang taon na ko? 21 yrs old na ko. hindi ako blogger addict, hindi ako pala basa ng blog, hindi din ako book fanatic, nakaka tamad kaya mag basa, ang sakit sa mata, nakakaantok, bored, at yung feeling na nagsusulat ako ngayon ng blog at kailangan kong mag basa ng mga blog at libro dahil nainspired ako sa isang tao, sa ginawa nyang libro? ang weird dba? sa isang iglap!? (agad agad?)

Sa isang iglap? dba kanta yun? sa isang iglap mo ay nabihag ako, lalalalalala lalalala lala… hahaha.. (korni… pero natawa ka dba? oh! yan ang sinasabi ko eh.)

Ewan ko ba kung bakit ako biglang napa blog ng ganito, dahil siguro gusto kong maramdaman kung ano ba ang feeling ng isang taong blogger? BLOGGER? haha d ko alam kung anong tawag sa kanila eh? ganito nalang mahilig magbasa at gumawa ng Blog! ok na ba? wala akong alam sa pag gawa ng blog pero sabi nila pag gagawa ka daw ng blog eto daw u\yung na experience mo, saloobin mo, mga komento, opinion mga hakahaka at ibat ibang kwento ng buhay,

Ako? kung ako ang tatanungin, kung ano ang motibo ko? kung bakit ako gagawa ng mga blog? dahil gusto ko sa bawat pagsulat at pag gawa ko ng blog na ito ay may kapulutang aral ang mga mag babasa nito at yung maging isa sa inspirasyon nila ang blog ko. (ESHTEG CHENG! EKEW NE! hinde KEYE NE!)<Napapangiwe ako!>

teka teka….

Bakit nga ba LikhangPapel?

-Eto na nga! nainspired kasi nga ako sa isang tao sya si “MAKATANGLAPIS”,ibig sabihn ba non kapag may Lapis kelangan ng Papel? Hindi syempre, kaya LikhangPapel dahil habang binabasa ko ang librong “Sa Pangarap ko, Pangarap mo bawal ang Babytalk” ni makatanglapis, sa mrt, ang aking puso ay nanalangin sa Diyos at ang aking panalangin ay:

“Lord kung ako man ay bibigyan mo ng ganitong talento  kung meron man akong ganitong gift, talent o skill sa pagsusulat ang gusto kong pagkakakilala sa akin ay likhangpapel, dahil ang gusto ko sa bawat blog, o kung makagawa man ako ang book, ang nais ko ay likhain mo ito mula sa puso ko!

Nawa ma inspired ko ang mga makakabasa nito at mayroong kapulutang hindi lang kalokohan, katatawanan, kabaliwan, harutan pero kapulutan ng aral sa  bawat blog ko, (luh #medyomadrama) *humahashtag!

Anu pang hinihintay nyo tara na samahan nyo si LikhangPapel sa kanyang paglalakbay patungo sa mundo at kwento ng mga Papel at Lapis, matuto, mainspired, makisaya, makitawa, makigulo, makiJam, makilahok, libutin, ikutin, halukayin, sisidin ang lawak, taas, at lalim ng Blog ni “LIKHANGPAPEL!” (twing byernes alas 8 nang gabi. yung totoo tv ba ito o blog.?)

Hanggang sa muli kong BLOG PAALAM! Godbless! and Bless God!  😀

-LikhangPapel

Image

Advertisements

8 thoughts on “LikhangPapel!

  1. Magaling, magaling! Hahaha bloggers nga kami; blogger ka na rin! 🙂 Welcome sa blogosphere, sana ay magtuloy-tuloy pa ang paglalakbay mo. 🙂

    Salamat sa pagbisita sa tambayan ko! 😀 God bless~

  2. I do agree with all the concepts you have presented
    on your post. They’re very convincing and will definitely work.
    Still, the posts are too short for starters.
    May just you please prolong them a bit from next time?
    Thanks for the post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s